ANGELA "BAS...TE..." Pilit akong kumakalas sa kanyang halik dahil baka hanapin kami ng kanyang mga kaibigan. "Kulang," aniya. Napangiti siya at saka pinunasan ng kanyang dila ang kanyang mga namumulang labi. Hindi ako makatingin ng maayos dahil sa totoo lang ay nahihiya akong makita niya ang mukha ko. Nag-init ang mga pisngi ko at pakiramdam ko ay namumula na naman ako dahil sa pagba-blush. Napalunok siya at saka ako inakbayan. "Tara na, at baka hinahanap na nila tayo." Para akong sunud-sunuran na naglakad na rin at hindi ko matanggal sa aking sarili ang labis na panginginig. Ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko at hindi pa rin stable ang aking dibdib. Parang tinatambol pa rin iyon at hindi ko kayang magsalita ng deretso. Sa tingin ko ay hinigop niya lahat ng lakas ng loob ko na