ANGELA "SAAN KAYO GALING?" Ito ang tanong sa amin ni Macky nang kami ay makarating sa kubo ng mga Tambay Pogi. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil nanginginig pa rin ang kalamnan ko. Hindi pa rin nawawala sa akin ang takot at ang posibilidad na baka mayroong nangyaring masama sa akin kanina. Kung wala si Baste ay baka nahimatay na ako sa matinding pagod at takot na dulot ng aking pagtakbo. "Diyan lang. Nag-usap lang kami." Tinanggal ni Baste ang pagkaka-akbay niya sa akin saka nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Naiwan pala si Macky na nagluluto habang ang ilan sa mga kasama nila ay naglalaro na at lumalangoy na. Sa tantiya ko ay pasado alas diyes na ang umaga dahil medyo mataas na ang araw. Tahimik lang akong naupo sa tabi at nakatulalang parang napakalalim ng iniisip. Si Baste nama