ANGELA UMUWI kaming ramdam ko ang pagod at kakaibang pakiramdam sa aking katawan. Para akong magkakasakit at iyon ay dahil sa aking pagkapagod sa pagtakbo kanina at sa aking muntikang pagkalunod. Pag-uwi namin ay walang tao sa bahay. Alas kwatro pa lang ng hapon kaya't medyo mayroon pang araw sa kanluran na palubog na rin maya maya. "Matutulog muna ako. Gigising na lang ako mamaya para magluto. Hindi ko talaga kaya," nanlalata kong wika. "Sige," simpleng sagot ni Baste. Binuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko at doon ay agad na rin akong pumasok. Hindi ko na nagawang magpalit pa ng aking kasuotan dahil kapapalit ko lang din naman kanina ng nabasa kong damit. Bagsak na ang katawan kong nahiga sa kama at wala pang ilang saglit ay nakatulog na rin ako. NAGISING ako, bandang alas syete