ANGELA PAGKATANGGAL niya sa kanyang maskara ay nasagot lahat ng aking espekulasyon tungkol sa aking mga kutob kanina. Nakatitig lang siya sa akin simula nang siya ay nagmulat ng kanyang mga mata at hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan niya ako masusurpresa. Wala man lang akong ka-ide-ideya sa lahat ng mga nangyayari. Alam pala ito ng kaibigan ko at hindi ko man lang iyon nahalata kay Baste. Kaya pala abalang abala siya kanina sa pagte-text. Kaya pala hindi siya mapakali at hindi man lang niya ako mabigyan ng atensyon habang nagpapaalam ako sa kanya kanina. Ito pala iyong rason. Nakakasama lang ng loob at nakakapagtampo lang dahil hindi ko man lang alam. Pakiramdam ko ay napagkaisahan lang ako kaya naman mas pinili ko na lang na lumabas ng kwarto at maglabas ng sama ng loob sa la