ANGELA ALA UNA ng hapon nang tumawag sa akin ang aking kaibigan at kaklase noong ako ay nasa first year college pa lamang. Nagiimbita ito sa kanyang bridal shower ngunit hindi ko alam kung dadalo ako dahil baka hindi ako payagan ni Baste. Napakasungit, possessive at over protective pa naman ng lalaking iyon. Naalala ko na si Grace ang pinaghahanap ni Leonor, ang kaklase namin na ikakasal ng lalaking babayaran upang sumayaw sa bridal shower na magaganap mamayang gabi. Ako sana ang nakaatas para doon ngunit dahil virgin ako at probinsyana na walang kaalam-alam sa mga ganyan ay ipinasa ko kay Grace. Sa ngayon ay hindi ko alam kung paano ako magpapaalam kay Baste. Kailangan kong mag-attend kahit hanggang alas nuwebe lang dahil nangako ako sa kanya at hindi ko gustong sirain iyon. Nasa ku