MULING iminulat ni Joanna ang mga mata. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya nang hindi mawala sa paningin niya ang mukha ng lalaking katabi sa kama. Tulog na tulog pa rin si Nash. Lahat ng nangyari sa pagitan nila kagabi ay hindi pawang panaginip lang. Totoo lahat. Umangat ang isa niyang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ng binata. Sa loob ng dalawang taon, ilang beses niyang pinangarap na mamulatan muli ang mukhang iyon sa paggising niya. Katulad nang mga sandaling iyon na nakaunan pa siya sa braso nito. Pumikit siyang muli at pinilit makatulog dahil antok na antok pa rin ang pakiramdam niya. Nang muling magising si Joanna ay wala na sa tabi niya si Nash. Napatingin siya sa bintana. Mukhang tanghali na nang mga sandaling iyon. Sinikap niyang makabangon habang kipit ang putin