NANG makabalik sa San Andres sina Joanna at Nash ay hindi pumayag ang binata na dederetso na agad si Joanna sa San Antonio. Iginiit nito na ipapakilala muna siya nito sa mga magulang nito. Flattered naman siya sa bagay na iyon ngunit mas nangingibabaw sa kanya ngayon na makita ang anak nila na si Norielle. How she missed their little angel. “Nash, bukas mo na lang ako sunduin para ipakilala sa mga magulang mo,” pangungulit pa niya rito. “Mas gusto ko ngayon. Relax ka lang,” nginitian pa siya ni Nash bago nito ibinaling ang tingin sa daan. Nagda-drive ito at kasalukuyan na nga nilang tinatahak ang papunta sa Hacienda Villa Franca. “Moms like you,” dagdag pa ni Nash. Kung alam lang nito ang dahilan ng ipinagkakaganoon niya. Bumuntong-hininga na lang siya. Mukha namang hindi siya mananalo