BIGLA ay daig pa ni Joanna ang nalulon ang dila dahil hindi siya makapagsalita. Hindi rin niya alam kung paano magsisimulang mag-explain kay Nash. Umatras siya at naupo sa gilid ng kama ng mga magulang ni Nash. Nagbaba siya ng tingin noong humarap sa kanya si Nash. “Ano’ng ibig sabihin ni Kuya Nathan?” sa wakas ay bulalas ni Nash. Bakas pa rin ang pagkalito sa guwapo nitong mukha. Pakiramdam niya ay tinitimbang pa rin ni Nash ang sitwasyon. Natural lang siguro dahil sa gulat sa kaalamang may anak silang dalawa. Ang tagal nga naman nilang magkasama pero wala siyang nababanggit dito. “Si Norielle,” patuloy nito. “Siya ‘yong dahilan kaya ayaw mong mag-stay ng matagal sa isla?” Tumango si Joanna. “At wala kang balak na sabihin sa akin?” Huminga muna siya ng malalim bago lakas loob na tini