Nike Trinidad Pababa pa lang ako ng sasakyan ng sasakyan ng may tumawag sa aking pangalan. Natanawan ko sina Mommy at Daddy sa garden na nagpapa-araw. Kinawayan ko ang dalawa. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang senyasan ako ni Mommy na lumapit sa kanila. “Aba, Nike! Ilang araw ko nang napapansin na uuwi ka lang rito kapag umaga pero sa gabi hindi ka na bumabalik! Ano ba ang nangyayari sayo? May problema ka ba?” tanong ni Mommy. Nginitian ko siya na siyang dahilan ng pagiging seryoso niya. “Walang nakakatawa! Nag-aalala kami ng Daddy mo,” madiin niyang sabi. Napahilot ako sa aking batok at umiling-iling. “Mommy, ang aga mo naman akong sermunan!” pabalang kong tugon. “Oo nga naman, Mommy!” sabat ni Daddy. “Hindi naman na teenager ‘yang anak natin!” Mas lalong nainis si Mommy sa