Nicolette Celestial Hindi pamilyar na daan ang tinatahak ng aming sasakyan. Ako ‘man ay nagtataka sa aming pupuntahan lalo na at wala naman sinabi si Nike sa akin. ‘Wala akong alam sa mga plano na ginawa niya.’ Sunod-sunuran lang ako sa aking mag-ama upang magkaroon sila ng quality time sa isa’t-isa. ‘Ito ang unang beses na lumabas kami bilang isang pamilya kaya ayoko maging KJ upang sirain ang masayang araw nila.’ Pumasok kami sa isang subdivision. ‘Pamilyar ang pangalan ng lugar dahil halos lahat ng mga nakatira rito ay tunay na mayayaman.’ Hindi ko tuloy mapigilan mamangha sa aking mga nakikita dahil sa iba’t-ibang malalaki, magagarbo at magagandang bahay. Napasulyap ako sa likuran ng kotse. Maging si Nicolo ay tuwang-tuwa sa kanyang mga nakikita. Nagmamasid sa aming nadadaanan. “N