Nike Trinidad Sa labas pa lang ng bahay ay rinig na rinig na namin ang komusyon ng dalawang tao na nag-babangayan. Ang isa ay boses ni Scout. Ang isa naman ay boses ng isang babae na pamilyar sa aking pandinig. “Kailangan ko siyang makausap!” mariin at pagpupumilit ng babae. “Please, importante lang talaga ito, Scout!” pakiusap pa niya. “Tumabi ka!” sigaw niya. “Kung ano man ang kailangan mong sabihin sa kanya, pwede kang pumunta sa opisina! Hindi dito!” Rinig ko pang tugon sa kanya ni Scout. Nagkatinginan kami ni Nicolette. Maging ang mga kaibigan namin at mga bata ay nagtataka rin sa kaguluhan sa labas ng bahay. “Stay here!” sabi ko sa kanila. “Pupuntahan ko lang si Scout,” paalam ko sa kanila. Sinalubong ko ang mga tao sa labas ng pintuan. Nasa kalagitnaan na sila ng hallway papun