Nicolette Celestial Isang malaking ngiti ang aking sinalubong sa kanila nang agad ko silang matanawan sa ‘di kalayuan. Mahigpit ko siyang niyakapa at tinitigan mula ulo hanggang paa. Ito ang na-miss ko sa kanya. Titigan ako ng puno ng pagmamahal, haplusin ang aking balikat ng malumanay, at kausapin ako ng maayos habang may ngiti sa kanyang labi. ‘Ang matagal kong hindi nasilayan mula sa aking ama na lubos akong nangungulila.’ “Parang bumata ata ang mukha ninyo, Papa!” puno ko. “May kakaiba ata sa inyo, ah!” Napalingon ako sa katabi niyang si Kenneth na nagsalita, “Kahit ako rin hindi makapaniwala na medyo nagbago nga si Papa,” aminadong sagot sa akin. “Nagpakulay ng buhok ‘yan!” tukos niya. “Tignan mo ang suot na style ng damit parang bagets, ‘di ba?” Tumango-tango ako, “Ah! Bakit? Ano