Ang maganda at masaya sanang okasyon ay naging isang malaking kalokohan sa harap ng maraming tao dahil sa mga taong nagpahayag ng kanilang mga salita. Nagmistulang palengke ang buong lugar dahil sa walang patid na pag-uusap ng mga tao na nakasaksi ng lahat. Kanya-kanya sila ng haka-haka sa mga narinig tungkol sa sinabi nina Audrey at Toby. Hindi naman lingid sa karamihan kung gaano kababaero si Nike kaya’t hindi imposible na totoong may anak ito sa babae. Dahil si Nike at ang pamilya lang ni Nicolette ang nakakakilala kay Toby, halos lahat ng tao ay nakisimpatya sa kanya. Nagpaawa siya sa mga tao at umiyak-iyak na para bang siya ang na agrabyado at nawalan ng anak. Naging marumi tuloy ang tingin ng tao kay Nicolette. Pati si Nicolo ay nadamay na rin. Alam ng mag-asawang Trinidad ang tun