Nicolette Celestial Napapikit ang aking mata nang maramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat mula sa veranda. Isang malamig na gabi na siyang nagbibigay sa akin ng kalungkutan. Ang emosyon na hindi ko maikukubli sa aking sarili. ‘Nakuha ko na ang sagot sa matagal ko nang tanong mula kay Nike.’ Gaya ng hinuha ko noon pa man ay hindi kayang tanggapin ni Nike ang sitwasyon na nangyari sa amin. ‘Masakit ‘man marinig pero iyon naman talaga ang reyalidad na aking haharapin.’ Napapunas ako sa aking pisngi nang may mga butil-butil na luha na lumandas doon. Nalulungkot ako para sa amin ni Nicolo sa kahihinatnan ng sitwasyon namin ngayon. ‘Kaya kayang tanggapin ni Nike ang anak namin kapag nalaman na niya ang totoo?’ Napasinghap ako. ‘Kaya ko naman patunayan iyon!’ Ngayon, na kay