Nike Trinidad
“I love you, Sir! I will do everything just to stay by your side.”
“Sorry! You know my rules. I cannot commit to you. I cannot give you what you want! The way you treat me, nakakasakal. That is why I don’t like labels. That is why I don't want to have a relationship with you or with anyone. Because I can't stand this kind of affection. The affection of love!”
“Tanggap naman kita! Tanggap ko kahit ilan pa kami sa buhay mo. Ang gusto ko lang manatili sa tabi mo! I swear hindi ako mag-dedemand ng kahit na ano. Please!”
Inabot ko sa kanya ang isang sobre na may lamang pera.
“The amount is enough to keep secret what happened to us! Ayoko may lalabas na kung anu-anong balita tungkol sa ating dalawa. Submit your resignation to the HR and I will compensate you fairly.”
Iniwan ko siyang umiiyak na nakaupo sa lamesa. ‘The type of a girl that I hate is being possessive, falling in love with me, and treating me as their real partner.’ I can’t have that kind of relationship. It’s like a commitment na anumang oras ay maaari akong matali kung hindi ko pa ititigil. ‘Saying they love me?’ Hindi na bago sa mga babaeng nakilala ko iyan. Pare-pareho lang naman sila na sa huli gusto lang ako makuha dahil sa mga bagay na kung anong meron ako. ‘All of them are playing with the fire.’
“Your secretary is submitting her resignation!” Bungad ni Scout sa akin.
Scout is now my partner that supervises the companies I handle. Kapag wala akong secretary siya ang nag pu-fulfill ng trabaho. Mas maganda na natutunan niya ang iba’t-ibang trabaho para kapag siya na ang nag handle ng ibang business madali na sa kanya lahat. ‘But I don’t doubt his skill and experience.’ After he graduated naging dedicated na siya sa trabaho kahit bente kwarto anyos pa lang siya.
“Then, find new!”
“Ganyan mo na lang ba sila kadaling tanggalin sa trabaho?” tanong niya.
Umupo ako sa swivel chair at hinilot ang aking sentido.
“Yes, ganun lang kadali iyon!”
“Kuya, I've been working in this company. Kaya lang naman nag re-resign ang mga iyan dahil sayo. Pagkatapos mong pagsawaan ganun mo lang kung itapon. Bakit hindi ka na lang pumili ng isa sa kanila para asawahin mo?”
“They are not worth it!”
“Don’t mess with them, Kuya! Baka isang araw makahanap ka ng babae na gagawin rin ang ginawa mo katulad sa mga babaeng iyan! Baka dumating ang panahon na ikaw naman ang umiyak at lumuhod para sa babaeng mamahalin mo pero hindi ka minahal at pinaglaruan ka lang.”
“Wow! Bro, you are mature enough!” Tinawanan ko siya dahil sa pagiging seryoso. “Babaero ka rin naman kagaya ko, ‘di ba? Wala tayong pinagkaiba!”
“We’re different, Kuya! Kasi ang mga nagiging babae ko, fling lang walang intimate doing kagaya mo!”
“I don’t believe you!”
“Then, don’t!” irap na sambit sa akin.
Bago makalabas ng pintuan ay muli ko siyang kinausap.
“I approve her resignation. Just compensate her. Alam mo na ang dapat mong gawin.” Pahabol kong sabi.
Day pass. After my secretary ay ang company specialist naman ang pinag resign ko. ‘Same issue! Again!’
“Nananadya ka ba talaga?” malakas na sambit ko ng bumukas ang pinto. “You know what my requirements, standards and qualifications are! Bakit binibigyan mo ko ng ganyang mga aplikante?” tanong ko kay Scout. Binato ko sa kanya lahat ng resume for interviews. “Maghanap ka ng iba!”
Umiling-iling sa akin at isa-isa dinampot ang mga papel na tinapon ko. Inayos niya iyon habang inaasar ako.
“Lahat ng mga ito, qualified sa position dito sa kumpanya, lalo na sa pagiging secretary at company specialist!” Umupo siya sa harapan ng upuan katabi ng lamesa. “Masyado mataas ang standard mo! Rather, mas gusto mo kasi yung babae na kaya pagsabayin ang trabaho at pakikipag landian sayo!”
“One more word coming from your mouth, I’ll zip your mouth by sewing it!” pananakot ko.
Tinawanan niya lang ako dahil alam niyang hindi ko gagawin iyon at puro salita lang ako.
“Nagsasabi lang ako ng totoo! Ilang beses na ba kitang nahuli na gumagawa ng milagro dito sa lamesa, upuan mo, at doon sa sofa?” Dinuro niya ako. “See! Hindi ka makasagot! Kasi totoo lahat ng sinasabi ko.”
“Scout!” bulyaw ko para manahimik na siya.
“Whatever!” tugon sa akin. “Wala naman akong magagawa kun’di ang humanap ng mga bagong aplikante na papasa sa so-called standard, qualification at requirements mo!” Tumayo siya at sinandig ang dalawang kamay sa lamesa. “You have an out of town meeting with our client in Cebu.” paalala niya. “Ikaw o ako na lang ang a-attend?”
“Ako na! Ang gawin mo, iyong pinapagawa ko sayo! Gusto ko pagbalik ko nakahanap ka na ng qualified na empleyado sa mga vacant jobs natin.”
“Last mo na ‘to, Kuya! Kapag hindi ka pa nag tino sa kakatanggal ng mga empleyado natin na karelasyon mo, isusumbong na talaga kita kay Daddy!”
“You can’t say it’s a relationship. It’s just like the work of a boss and employee. Nothing more!” Pagtatama ko sa kanyang iniisip.
Nakasakay ako sa private helicopter papuntang Cebu para sa business meeting ko. In-arrange na ni Scout ang lahat kaya kahit wala akong kasamang secretary ay ready akong i-handle ang lahat.
In a short period of time, lumapag ang helicopter sa isang kilalang Hotel dito sa Cebu. At ito ay pag-aari lang naman ni Kendric. One of my clients is a shareholder in this Hotel. Kaya naman accessible ang lahat para sa akin.
“Good morning, Mr. Trinidad.” Bati ng isang staff ng hotel. Kasama ng staff ang client na imi-meet ko ngayon.
Sinalubong ako at nakipag kamay na tinugunan ko naman. “Good morning! Shall we?” yaya ko. Pagdating sa trabaho lalo na kapag ganitong importante ay hindi ako nagsasayang ng oras.
“Will you stay here?” tanong ni Mr. Borbajo sa akin.
“Yes! I will spend two nights and three days in this hotel.” Tinungga ko ang kape pagtapos ko siyang sagutin.
“In that case, I would like to invite you! My partner and I have a simple event in the Banquet Hall. I hope na makapunta ka para mapakilala kita sa kanya.”
“Sure! I’ll come. It’s good to meddle with other businessmen, right?”
“Of course! See you tonight, then.” kaswal kong tugon.
Ang simple event na inaasahan ko ay hindi basta-basta event. Base sa mga tao na narito ngayon ay kilalang businessman din na katulad ko. The whole place is very elegant. Mga high class ang mga guest na nakasalubong ko.
“Mr. Trinidad, I want you to meet my business partner, Mr. Celestial.” Pakilala sa isang matandang lalaki na ka-edad niya. Tinuro niya rin ang dalawang lalaki na mukhang hindi nalalayo sa aking edad. “This is his son, Kenneth. And my son, Toby.” Akbay sa lalaki na pinakilala niyang anak.
“Nice to meet you, Kenneth and Toby. I’m Nike Trinidad.”
After talking them for a while my lumapit na guard sa aming lamesa. Nagbago ang mukha ni Mr. Celestial. Nang tumayo siya ay sinundan din agad ng kanyang anak. Hindi ko naman sinasadya na maki-usyoso sa nangyayari pero sinundan ko ng tingin ang tatlong lalaki na papalapit sa isang babae. She’s wearing casual clothes. Halatang hindi belong sa mga tao na narito ngayon.
“Everything alright, Mr. Trinidad?” tanong ni Toby. Napatingin rin siya sa gawi ng aking tingin. “Don’t mind them. Simpleng problema lang iyon na dapat ayusin.”
“Okay!”
I didn’t finish the whole event at nagpaalam na ako sa kanilang mauuna nang umalis. Paglabas ko sa Banquet Hall nadatnan ko pa ang mag-ama na pauwi na rin. Palabas na ng hotel ng salubungin ng babae na kausap nila kanina.
“You’re not part of my company! You shouldn’t be here! Because when I saw your face, naaalala ko lang ang kahihiyan na binibigay mo sa amin. Sa aming kumpanya!” Bulyaw ng matanda.
Nagkibit balikat lang ako. Sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko at pinagmamasdan ko siya. ‘When I saw her dumbfounded and wasted, ay nilapitan ko.’ What should a guy do when seeing a woman like this? ‘Comfort her!’ I thought.
“Miss!” I called her. “Are you okay?” I ask.
Sandali pa siyang natulala ng makita ako bago nakasagot. “Yes!” kaswal na sagot sa akin. “Thanks.”
Inilahad ko ang aking kamay. “I’m Nike. Nike Trinidad!”
“Nice to meet you. Thanks again, but I have to go.” Paalam niya.
Hinabol ko siya papalabas ng entrance, “Wait!” usal ko. Inabot ko sa kanya ang aking calling card. “If you need help or anything, you can call me.”
“Okay! Bye!”
Just like that. ‘I’m giving too much attention yet she’s not interested to accept my help?’ Napangisi ako.
I thought it’s the last encounter that I will see her, pero I estimated her. ‘Wala rin siyang pagkakaiba sa mga babaeng nakilala ko.’
“Go to my company and let’s talk about the vacant job I can offer you!” tugon ko sa kabilang linya.