1 - Calling off a Wedding

1658 Words
Nicolette Celestial “I’m calling off our wedding!” Diretso ang tingin ko kay Papa habang sinasabi ang mga salitang iyon. Determinado na ako sa aking desisyon. Kung ano ‘man ang mga salita at parusa na ibibigay niya sa akin ay handa na akong tanggapin iyon kaysa makasama at mapangasawa ang walang kwentang lalaki na pinili niya para sa akin. Matatalim ang kanyang mata na tinignan ako. Hinapmas pa ang tungkod sa sahig. Hindi ako nagpakita ng takot sa kanya. ‘Kalilangan ko pangatawanan ang aking desisyon.’ “You are a disgrace to our family!” sigaw niya. “Walang lalaking se-seryoso sa isang babaeng katulad mong disgrasyada!” Alam kong uungkatin na naman niya ang nangyari sa aking nakaraan. Hindi pa siya tapos at mas masakit na salita pa ang mga susunod na maririnig ko. “Puro na lang kahihiyan ang binibigay mo sa pamilya natin!” Nanatili akong tahimik at nilulunok lahat ng kanyang sinasabi. “I will not agree with you! It’s NO, Nicole! For once gagawin mo ang nararapat para sayo at sa pamilyang ito!” “Pa! Lahat ng gusto mo ginawa ko. Lahat ginawa ko para lang mabura ang pagkakamaling ginawa ko! I always make you proud. I work hard for our company! I obey you! Ginawa ko lahat para tignan mo ako ulit bilang anak niyo! Pero kahit anong gawin ko, ang mali ko pa rin ang nakikita niyo!” Suddenly I felt guilt dahil sa aking pag sagot. “Pa! Masisira lang ang buhay ko sa lalaking iyon!” “Shut up! Matagal nang sira ang buhay mo! Ikaw ang sumira sa buhay mo!” Kahit kailan hindi siya tumatanggap ng katwiran ko. “Lahat ng kailangan mo maibibigay niya! Wala ng lalaking katulad niya na kayang tanggapin ang isang tulad mong babae! Wala ng lalaking se-seryoso, magmamahal at magpapakasal sayo.” My family is conservative. Dahil kilala kami sa aming lugar ay lahat ng mata ng tao nasa amin. Kaya ng mabuntis ako aminado naman akong binigyan ko sila ng kahihiyan. Lumaki ang tiyan ko na walang ama. “Hindi naman ako kaladkarin na babae na inaakala niyo! Pa, kaliwa’t kanan ang babae niya! Sa tingin niyo ba magiging maayos ang buhay ko na kasama siya? Oo nagkamali na ako! At hindi ko na dadagdagan ang pagkakamaling iyon. Hindi niyo na mababago ang desisyon ko! Hindi ako magpapakasal sa lalaking iyon.” Tatalikuran ko na siya ng bigla ko na naman narinig ang hampas ng kanyang tungkod sa sahig. “Kapag lumabas ka ng pintuan na iyan, itatakwil na kitang anak! Papalayasin kita sa bahay na ito. Wala ka ng babalikang trabaho sa kumpanya. ‘Ni ising kusing wala kang makukuha!” Nilingon ko siya. I gave him a smile. Gusto ko ng umiyak pero nagpakatatag ako. Kinuyom ko ang aking kamay na nakalagay sa aking likuran. “Matagal niyo na akong tinakwil, Pa! Matagal na simula nang mabuntis ako sa aking anak. Hanggang nabubuhay ako ay alam kong hindi niyo na kayang tanggapin pa ako. At kahit kailan hindi niyo ako mapapatawad dahil iniisip niyo hanggang ngayon ako ang may kasalanan kung bakit namatay si Mama!” “Walang hiya ka! Nakuha mo pang idamay ang namayapa mong ina!” Sa sobrang galit niya ay naibato ang tungkod sa akin. Tuluyan kong nilisan ang study room ni Papa. Pagsara ko ng pintuan ay naroon ang aking kapatid na si Kenneth. ‘Dalawang taon ang tanda ko sa kanya pero simula nang mamatay si Mama siya na ang naging tagapag tanggal ko kay Papa.’ Nakapamulsa siya habang nakatitig sa akin. ‘Binabasa na naman niya ang aking isip.’ “Si Nicolo?” tanong ko sa kanya. Umiwas ako ng tingin at nilagpasan siya. Narinig ko ang kanyang pag buntong hininga. “He’s in his room! You know that your son is smart. Alam niya kapag nag-aaway kayo ni Papa!” Kinuha ang aking kamay at hinarap sa kanya. “So, desidido ka na talaga sa desisyon mo?” tanong niya. “Alam mong lahat ng sinabi ni Papa gagawin niya! Itatakwil ka niyang anak niya. Hindi lang iyon, pahihirapan niya ang buhay mo. Paano na lang si Nicolo?” Mahal na mahal niya si Nicolo kaya protective siya masyado. “Pati ako makikirapan na tulungan kayo. Nginitian ko siya. Kinuha ang kamay at mahigpit na hinawakan iyon, “Ito na siguro ang tamang panahon. Dapat noon pa lang ginawa ko na ‘to.” Malumanay kong sagot. Gusto ko siyang paniwalain na magiging maayos lang ako. “May ipon ako. Nakapag pundar din ako ng condo sa Manila. With my experience hindi ako mahihirapan na makahanap ng magandang trabaho na may malaking sahod. You know that I’m professional and madiskarte.” Proud kong sabi. “I know! ‘Di mo kailangan ipagyabang sa akin. Hindi lang naman ikaw ang inaalala ko. Paano si Nicolo kung lilipat kayo sa Manila? And that is too far from here.” “Stop arguing with me!” Sinusubukan kong maging masaya habang kausap siya. “For now, just support me, okay?” “I’m at your back, always!” “And that is what I need right now!” tugon ko. Niyakap ko si siya. Mahigpit kasya sa normal na paglalambing ko sa kanya. ‘This is the last time I will do this. Dahil pag umalis na ako rito, matagal na iyon o baka hindi na maulit.’ “Narito mamaya ang pamilya ni Toby Borbajo. Haharapin mo pa ba sila?” tanong sa akin. “Yes! For once, liliwanagin ko sa kanila ang lahat.” Kilala ang pamilya Borbajo dito sa Visayas dahil sa kanilang mining at timber business. Sila ang nag su-supply sa buong Visayas ng lahat mga uri ng kahoy at gold na ginagawang alahas. Bilang isang panauhing pandangal, todo asikaso ang mga kasambahay sa pag-aayos ng hapag kainan. Mga masasarap at special dishes ang pinahanda ni Papa para sa gabing ito. Simula kanina ng makausap ko siya ay hindi na kami muling nakapag-usap. ‘Alam ko na ipipilit pa rin niya ang kanyang gusto.’ Sinalubong namin ang buong pamilya ni Toby. Kahit alam ko na ang mangyayari ngayong gabi ay magpapaka professional at tao akong haharap sa kanila. Pagkatapos ng gabing ito, lahat ng mga pinaplano ko ay gagawin ko na. ‘Lalayo na ako sa kinagisnang buhay ko rito.’ “So, when will we arrange the wedding?” tanong ni Toby. He’s so eager to marry me kahit marami siyang babae. Nagtataka nga ako kung bakit kailangan pa niya akong pakasalan. Alam naman namin pareho na ayaw niya sa gusto ng aming mga magulang. “Do you have any plans, Nicole?” tanong sa akin. Nagkatitigan kami ni Papa. Naramdaman ko naman ang pagsipa ni Kenneth sa aking paa. Ako na ang sasagot pero inunahan ako ni Papa. “How about next month?!” sabat niya. “Great idea, kumpadre!” sagot ng ama ni Toby. “Bakit pa natin kailangan patagalin kung doon din naman mauuwi ang lahat.” Tumayo ako. Tumindig ako at isa-isa silang tinignan. “Umupo ka!” Mariin na sabi ni Papa. He’s commanding me. Alam ko na itutuloy pa rin niya ang kanyang balak. ‘Wala talaga siyang pakialam sa desisyon ko.’ Tumahimik ng ilang segundo sa hapag kainan. Kumuha ako ng tyempo para sabihin ang lahat. “Toby, I’m calling off our wedding. I will not marry you!” Yumuko ako sa harapan nilang lahat. “Sorry, Mr. and Mrs. Borbajo. I cannot marry your son!” Huli kong tinapunan ng tingin si Papa na nakatingin sa kawalan. “Sorry Papa for disappointing you! I hope in the future you will understand and accept my decision. This is for myself and my son! And for your punishment, I’m accepting it! I will no longer be your daughter and part of this family.” Paglabas ko ng dining area, dumiretso ako papunta sa garden. Kailangan ko lumanghap ng hangin dahil baka mamatay na lang ako bigla sa sobrang kaba at bilis ng tibok ng aking puso. ‘Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko.’ “I can talk to your father!” bulalas ng isang boses galing sa aking likuran. “I can wait kung kailan ka na ready magpakasal sa akin!” Napangiti ako sa kanyang sinabi. Hinarap ko siya, “Marami ka naman babae na pwedeng pagpilian, Toby. Bakit kailangan isiksik mo pa ang sarili mo sa akin?” “Dahil ikaw ang gusto ko!” “Gusto na ano? Ikama? Kaya ba pinipilit mo ang sarili mo sa akin dahil hindi mo pa ako nakukuha?” Binigyan ko siya ng tawang malakas. “Disgrasyada ako pero hindi ako mababang klase ng babae na tinitikman mo!” Nagtangis ang kanyang bagang. Linapitan niya ako at mahigpit na hinawakan ang aking braso, “Wala ng lalaking se-seryoso at magpapakasal sayo kapag nalaman may anak ka na! Nag i-ilusyon ka pa ba na may lalaking magmamahal sayo at tatanggapin ka? Pasalamat ka nga handa pa akong pakasalan at maging ama sa bastardo mong anak.” I gave him a hard slap. ‘Kulang pa iyon para sabihing bastardo ang aking anak.’ Mas lalo siyang nagalit sa ginawa ko, “Ang kapal ng mukha mo para sampalin ako! Bakit ba nagpapakipot ka pa e naikama ka nga ng ibang lalaki? Hindi ba katulad ka na rin ng mga babae ko? O mas masahol ka pa nga sa kanila dahil may anak ka!” Binigyan ko ulit siya ng malutong na sampal. Hindi pa ako nakuntento at pati ang kabila niyang mukha nasampal ko. ‘Ang kapal kasi ng mukha! Kala mo kung sinong malinis ang pagkatao!’ “Sapat na ang sampal na ‘yan para sa pang-iinsulto mo sa akin! Sa aking anak! Kung akala mo makukuha mo ako sa paraan na gusto mo, nagkakamali ka! Kahit kailan hindi ko pakakasalan ang lalaking katulad mo na walang respeto sa babaeng katulad ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD