"SAAN ka ba nakarating at hindi kita mahanap-hanap?" tanong ni Monica kay Angela nang makalayo na sila sa mansiyon ng guwapong lalaki. Halos kaladkarin na siya nito pabalik sa lugar na pinanggalingan nila kanina. Dahil hindil sila naka-link sa taong gising, na magsisilbi sana nilang guide pabalik sa realidad, kaya kailangan nilang bumalik kung saan sila unang dinala ng kanilang panaginip. At doon nila tatanggalin ang mga pulang laso na nakatali sa kamay nila. "Mamaya ko na ikuwento sa'yo," tugon ni Angela. Kanina pa niya napansin na parang kabado ang kaibigan niya. "Ano ba ang meron at ganiyan ka kung makahila sa'kin?" "Narinig ko ang boses ni Isoaiti Lolita na tinatawag ang pangalan ko. N-nasa panganib daw ngayon ang buong Kietta. Kaya kailangan na nating bumalik." "Nasa pananginip l