ILANG segundong pinagmasdan ni Hedvig ang estrangherong traveller. Mukha naman itong karaniwang tao lang. Bukod sa malakas na kalabog ng dibdib nito, wala na siyang ibang nararamdaman na magsasabing katulad niya ay isa rin itong hindi ordinaryong nilalang. Masiyadong maganda ang mukha nito para maging parte ng kanilang mundo. Kahit ang mga White Kampflen na kilalang may magaganda at guwapong mukha, hindi kayang pantayan ang kagandahang nakahain ngayon sa harapan niya. Ito na yata ang pinakamagandang traveller na nakita niya. Sa tingin ni Hedvig, nasa five feet and eight inches ang tindig nito na bumagay sa balingkinitan nitong pangangatawan. Nangingintab ito sa kaputian. Perfect sa mahaba at blonde nitong buhok. She has quite fair and thin eyebrows with a green, almond-shaped eyes. The