MULING pumatak ang mga luha ni Hedvig habang yakap-yakap ang isang urn jar na may laman ng ashes ni Angela. Sa dalawang araw na pananatili niya sa mansiyon ng kaniyang ina, kahit sandali lang, hindi niya iyon inihiwalay sa kaniya. Kahit sa pagtulog ay lagi niya rin iyong yakap-yakap. Sa namumugtong mga mata at nanginginig na mga labi ay hinalikan iyon ni Hedvig. "Loves, I wish I knew how to begin. I am so sad right now. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayong wala ka na. Hindi ko na alam kung saan pa itutumbas itong lungkot na nadarama ko ngayon. Kung noon bang namatay si Agwena o noong naghiwalay tayo sa Tussarii. Bawat minutong lumilipas na naiisip kong wala ka na at hindi na kita mayayakap kahit kailan, unti-unti akong namamatay. Kung alam ko lang na mawawala ka rin pala, sana hind