"SAAN ka galing, loves?" salubong ni Angela kay Hedvig nang dumating ito. Kaagad niyang pinag-aralan ang hitsura nito. Ipinakita nito sa kaniya ang mga dalang isda. "Sa lawa, loves. Ilang araw na kasi akong hindi nakapangisda. Dinamihan ko na rin para mabigyan ko ang mga kaibigan natin. Kaya natagalan ako." Humugot ito ng malalim na hininga. "Baka kasi wala na silang makain." She was touched and guilty at the same time. Dahil kung ano-ano ang inisip niya tungkol dito. Na baka nagkatotoo nga ang sinabi noon ni Monica. Na baka ito ang umatake kina Ingria. Iyon pala, mga kaibigan pa rin nila ang iniisip nito. Tumayo si Angela at lumapit kay Hedvig. "Ang bait naman talaga ng asawa ko. Napakasuwerte ko sa'yo." Naglalambing na yumakap siya rito. "Napakasuwerte nila dahil naging kaibigan ka