MAHIGIT isang linggo na rin ang nakararaan simula nang bumalik si Hedvig mula sa kabilang isla. Nailibing na rin ang mga kaibigan nila na nilapa umano ng isang grupo ng mga lobo. Tulog daw si Hedvig at nasa ibang lugar nang mangyari iyon, kaya nakaligtas ito. Hindi man sabihin ng kaniyang asawa, ramdam ni Angela na sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng mga kaibigan nila. Tulala ito at hindi makausap nang maayos nang dumating. At hanggang ngayon ay nanatiling tahimik si Hedvig. Nasasaktan at nalulungkot si Angela para sa asawa. Hindi tuloy niya masabi-sabi ang tungkol sa pagpunta ni Monica. Ayaw niyang dagdagan ang bigat ma nararamdaman nito ngayon. Pagkatapos maghugas ng pinagkainan ay pinuntahan niya si Hedvig na nakaupo sa duyan, paharap sa kulay-orange na kalangitan. Mukhang na