"AKALA ko ba maraming usa dito sa isla na ito, Kharkoo?" dismayadong tanong ni Floke nang makalabas sila ng gubat na walang dalang usa kahit isang piraso. "Oo nga. Muntik pa tayong mapatay ng iba't ibang hayop sa kagubatan," pagsasang-ayon naman ni Balder. "Kung nagkataon, bangkay pala natin ang maiuuwi natin sa pamilya mga natin. At hindi mga usa." Galit na napatingin si Harri kay Kharkoo. "Pambihira ka naman. Para mo lang kaming ipinain sa isla na ito, eh." Tahimik lang na nakikinig si Hedvig sa sentimyento ng mga kaibigan niya. Hindi niya rin masisisi ang mga ito kung magalit man kay Kharkoo. Hindi biro ang pinagdaanan nils sa loob ng kagubatan. Halos dalawang araw silang nagpasikot-sikot at nakipagbuno sa mga deadliest animals. Muntik na silang lapain ng moose, bears, at wolves.