MALALIM na ang gabi pero gising pa rin si Angela. Samantalang mahimbing na ang tulog nina Aria at Errki. Nanibago siya na hindi niya katabi si Hedvig kaya mailap sa kaniya ang antok. Nami-miss na niya kaagad ito. Lalo na ang maiinit nilang pinagsasaluhan. Dahil hindi makatulog kaya lumabas ng kuwarto si Angela at kumuha ng ale para antukin siya. Habang nagsasalin ng alak sa baso ay natigilan siya. Biglang nag-iba ang pakiramdam niya sa paligid. Ramdam niyang may mga matang nagmamasid sa kaniya mula sa de-salaming bintana. Inilapag niya ang baso at sumilip sa bintana. Madilim. Walang buwan nang gabing iyon kaya blangko ang nakikita niya sa paligid. Ngunit sigurado si Angela na hindi niya solo ang gabing iyon. At kung sino man iyon, batid niya na wala itong dalang panganib. Pero sino ito