"ILANG beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na huwag kang umalis dito sa cabin? Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Mahirap bang intindihin 'yon?" mahabang litanya ni Hedvig nang makarating sila sa tapat ng cabin. Ayaw na sanang sumagot ni Angela dahil ayaw na niyang makipagtalo pa. Hindi siya sanay na nakikipagbangayan. Pero hindi niya mapigilan na ilabas ang sobrang sama ng loob. "Dahil gusto kong makita kahit ang bangkay man lang ng isoaiti at kaibigan ko!" patili na sagot ni Monica. Muntik nang pumiyok ang boses niya. Dumoble ang linya sa noo ni Hedvig. "Para saan? Ikaw na rin ang nagsabi na mga 'bangkay' na lang. Ano pa ang silbi nila sa'yo?" Awang ang mga labi na pinalipad ni Angela ang palad niya at malakas iyong lumagapak sa pisngi ng binata. "Wala kang karapatan na bastusin ang