TILA hindi makapaniwalang nasundan na lang ng tingin ni Hedvig si Angela na dali-daling pumasok sa loob ng cabin. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos-maisip na sa wakas ay napangalanan na rin niya ang kakaibang damdaming nararamdaman niya para sa dalaga. Even himself, Hedvig couldn't believe that he is still capable of caring for someone. Someone that he should have killed. At lalong hindi niya mapaniwalaan na nagawa niya iyong aminin kay Angela. Hindi niya akalaing may ganoon pala siyang kahinaan. Alam niya na posibleng gamitin iyon ng dalaga laban sa kaniya. Pero wala siyang maramdamang pagsisisi. Kahit nasaktan siya sa pagtanggi nito sa kaniya, ramdam pa rin ni Hedvig na tama ang naging pagtatapat niya. Dahil pakiramdam niya ay may malalim na tinik ang nabunot sa dibdib niya. Medy