GUMUHIT ang kaguluhan sa mukha ni Angela nang makarating sila ni Hedvig sa gitna ng kabundukan. Pumasok sila sa maliit na cabin. Maganda pa iyon at maayos. Kumpleto rin sa kagamitan ang loob. Kahit ang mga cabinet ay may laman ding mga damit. Puno rin ng mga pagkain ang kusina. "Paano ka nagkaroon ng ganitong cabin at mga kagamitan?" tanong ni Angela na nakakunot pa rin ang noo. "I don't really own this place. Pinatay ko ang may-ari nito nang madaanan ko ito habang hinahanap ko ang lugar n'yo. Kaya simula ngayon, akin na ang lugar na ito," walang kaabog-abog na sagot ni Hedvig. Nanghilakbot si Angela sa narinig. "What?! Pinatay mo ang may-ari nitong cabin?" Napailing siya. "Demonyo ka nga talaga. Walang awa. Kahit ang inosenteng tao ay dinamay pa." "We hurt people for a living. That's