BAKIT parang familiar siya sa'kin? Sa kabila nang matinding galit ni Angela sa lalaki na "Hedvig" daw ang pangalan sabi ni Alvina, sumulpot sa isip niya ang katanungang iyon. Dahil hindi lang ang mukha nito ang pamilyar sa kaniya kundi pati na rin ang feeling na para bang nagkita na sila noon. Pero saan? At paano iyon nangyari kung totoo ang sinasabi ng kaniyang lola na sa outside world nanggaling si Hedvig? Sa pagitan ng mga matang nagbabaga sa galit, napatitig si Angela sa mukha nito. Kung sa ibang pagkakataon lang ay baka humanga siya rito. Ibang-iba ang mukha nito sa mga Black Kampflen na madalas ikuwento noon ni Alvina. He was undeniably a god: from his looks to his body. Hindi maikakaila na isa nga itong Finn kung pisikal na anyo ang pagbabasehan. That was because of the Nordic lo