KINABUKASAN lang ay nauna nang nagpakita ang isa sa mga inaasahan ni Hedvig bago pa makabalik si Monica. Totoo nga na may ginagamit itong proteksiyon. Dahil hindi naramdaman ni Angela ang pagdating nito. Hindi rin daw ito naamoy ni Hedvig. Nagulat na lang si Angela nang sa paglabas niya ng bahay ay may nakita siyang isang babae na sa tantiya niya ay ilang taon lang ang tanda sa kaniya. Nasa five feet and nine inches ang tangkad na may balingkinitang pangangatawan. Her skin has a fair and pale color. Maigsi ang blonde na buhok, manipis na mga kilay, at matangos na ilong. Pamilyar kay Angela ang maladagat nitong mga mata at magagandang pares ng mga labi. Katulad nang kay Hedvig. Kaya hindi na siya nagduda na ito nga ang ina ng kaniyang asawa--si Gertrud. "Ikaw ba si Angela? Ang asa