NANLAKI ang mga mata ni Angela nang makita si Hedvig na nakatayo sa paanan ng hot spring. At base sa hitsura nito, mukhang kanina pa ito naroon at pinagmamasdan ang paglulunoy niya sa tubig. Pakiramdam ni Angela ay mas nauna pang uminit ang mukha niya kaysa sa pagdampot niya sa sariling damit at pinantakip sa itaas na katawan. Ngunit nabasa rin ang sweater na iyon nang bigla na lang tumalon sa tubig si Hedvig. Hubo't hubad din. At bago pa man siya makahuma ay na-corner na siya nito. Mula sa sinasandalan niyang malaking bato ay tumukod doon ang dalawang braso nito. At nakulong ang katawan niya. "W-what are you doing?" kinakabahang tanong ni Angela. Titig na titig sa kaniya si Hedvig kaya nakaliko ang mga mata niya. "Ikaw. Ano ang ginagawa mo?" balik-tanong sa kaniya ng lalaki. Nagsa