"SAAN ka nga pala natutong magsalita ng language nila? Ako, kailangan ko pa ng Google translate para lang maintindihan ko ang pinagsasabi noon nina Noah at Michelle," interesadong tanong ni Monica habang papunta na sila sa ospital. "Sa outside world ako natuto. Doon sa tinatawag naming Taregat. Filipino kasi ang napili ko noon na biktimahin." Napahawak si Hedvig sa batok niya. "Sorry na agad sa kasamaan ko noon." "Huwag kang mag-alala. Hindi lang ikaw ang nakakaalam," pabirong tugon ni Monica. Tumawa lang din si Hedvig hanggang sa may maalala siya. "Naikuwento na ba sa'yo ni Angela na bahay ko ang napasukan n'yo noong hinahabol kayo ng mga Black Kampflen? Na nagkita na kami noon pa man?" Tumigil sa paglalakad si Monica at humarap sa kaniya. "What? Really?" Namilog ang mga mata nito. "A