Kanina pa siya sa may tabi ng swimming at nakatitig sa malinis na tubig. Ang dami kasing gumugulo sa isip niya. Kung bakit naman kasi kailangan pang mangyari sa kanya ang ganito. Kung sana hindi na lang siya dinamay pa ng Kuya Joseph sa gulo nito di sana maayos pa siyang nag-aaral ngayon at wala siyang iniisip na problema. Naisip din niya kung paano nga gawing totoo ni Elijah na pakasalan siya nito para hindi na siya masaktan pa ng kapatid. Papayag ba siya? Iyan ang tanong na kanina pa gumugulo sa isip niya mula ng marinig niya ang salitang kasal kay Elijah. "Wala naman akong choice," bulong niya. sa sarili at tumingala sa langit. Puno ng bituin ang langit at bilog ang buwan, parang napakaganda ng panahon. Habang titig na titig siya sa langit napapitlag pa siya nang mag ring ang cell