"Sorry, I'm late," paumanhin niya ng lumapit sa mesa kung saan nagsisimula ng kumain ang mga magulang niya, pati na si Pauline at mga magulang nito. Tinawagan naman niya kanina ang Mama niya para sabihing ma le-late siya sa dinner. Nag-usisa pa nga ito kaya nagdahilan na lang siya about work sa hotel. Sana na lang wala pang sinasabi si Pauline sa mga ito. Bago siya naupo binati muna niya ang mga ito isa-isa. Nakipag beso pa siya sa Mommy ni Pauline at kay Pauline. Nakipagkamay naman siya sa ama nito. Saka naman niya magalang na binati ang kanyang mga magulang. "Have a seat, Elijah," sabi ng Mama niya matapos humalik sa pisngi ng ina. "Nasasagad ka na yata sa trabaho, Elijah," komento ng Daddy ni Pauline. "Medyo lang po Tito," tugon niya. "Sadyang masipag lang po si Elijah," sabi naman