"Baka hinahanap ka na nila sa dinner niyo," Tamara said. Nang makabalik siya sa sala kung saan niya inis na iniupo ang dalaga kanina para kunin ang emergency kit niya para gamutin ang mga gasgas na tinamo ni Tamara kay Joseph. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi siya agad nakarating kay Tamara. Hindi niya agad nailigtas ang dalaga kay Joseph, kaya nagtamo ito ng mga sugat sa katawan. Hindi niya alam kung paano nagawang saktan ni Joseph si Tamara sa harap ng maraming tao. Tiyak na nanlaban din si Tamara kaya ganoon na lang karami ang mga sugat nito sa katawan. "Tumawag na ko kay Mama at sinabi kong ma le-late ako," tugon niya kay Tamara at naupo sa mesa kung saan niya pinatong ang emergency kit na bitbit niya. "Ok naman ako Elijah, mga gasgas lang ito kaya ko namang gamutin ito,'