"Are you ok? Sinaktan ka ba niya?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Elijah nang makasakay na sila sa sasakyan nito at tinatahak na nila ang daan pauwi. "O... Ok naman...," utal na tugon niya. Naiilang siya ni hindi nga siya makatingin ng deretso sa mga mata ni Elijah. Sino ba naman ang hindi maiilang pinagsigawan nito kanina sa maraming tao na pakakasalan siya nito. Hindi lang isang beses kundi dalawa pa. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at mararamdaman sa ngayon. "Buti at naabutan ko kayo. Paano na lang kung nahuli ako ng dating ah Tamara? Sa palagay mo ba ligtas kapa ngayon?" Tanong ni Elijah sa kanya. Nahimigan niya ang galit sa tinig nito. Nagyuko siya ng ulo nang lumingon ito sa dako niya. Ayaw niyang isipin pa kung ano ang mangyayari sa kanya kung hindi dumatin