Alam niyang sa ganitong paraan lang siya makakapag pasalamat kay Elijah sa lahat ng sakripisyo nito sa kanya. Sa pagtulong nito sa kanya at syempre sa pagnanais nitong mapakasalan siya. Wala namang mawawala sa kanya kahit isuko na niya ang lahat kay Elijah ngayon, pakakasalan naman siya nito. Isa pa para na rin mapatunayan niyang mali ang lahat ng sinasabi ni Joseph tungkol sa kanya. Birhen pa siya. Iyon ay kung hindi nga siya pinagsamantalaan ni Elijah noon. Kung pinagsamantalaan siya nito, dapat alam nito na birhen siya. Naging mapanghanap ang kanyang pag halik sa labi ni Elijah, lalo na't gumaganti ito. Unti-unti niyang nararamdaman ang pag gapang ng init sa kanyang buong katawan, tiyak na ganon rin ang nararamdaman ni Elijah ngayon. Hindi na rin niya napigilang pagapangin ang kanyan