"Good afternoon," masiglang bati niya sa secretary niyang nakaupo sa may labas ng kanyang opisina. Medyo nagulat pa nga ito dahil siya ang naunang bumati rito. "Good afternoon po Sir," bati sa kanya ng secretary na halatang nagtataka sa kanya good mood. Madalas kasi dinadaanan lang niya ito. Kung babatiin naman siya nito tango lang ang nagiging tugon niya. Malayo sa inasal niya ngayong araw. Well, good mood kasi siya ngayon, dahil nahalikan niya si Tamara. Yes, marami na siyang mga babaing nahalikan, pero iba ang kanyang pakiramdam sa napagsaluhan nila ni Tamara. Kakaib kasi ang bilis niyang nag-init. Kanina nga lang kung walang sasakyan na bumusina sa kanila ni Tamara eh baka kung saan na umabot ang kanilang ginagawa ni Tamara sa loob ng kotse. Parang kasing ang bilis niyang makalimot