Nag-iiyak sita nang magtungo sa bathroom at ibabad ang hubad na katawan sa may bathtub. Umiiyak siya hindi dahil naisuko na niya ang lahat kay Elijah. Umiiyak siya dahil hindi niya nagawang tiisin ang sakit kanina, kaya hindi niya nagawang ma satisfied si Elijah sa kanya. Wala siyang nagawang maganda habang inaangkin siya ni Elijah. Ang tagal niyang hinintay na maangkin ni Elijah ang kanyang katawan, tapos ganoon lang ang nangyari. Nag-iiyak lang siya at nagsisigaw sa sakit. Tiyak na sa nangyari turn off na sa kanya si Elijah. Ang pakikipagtalik pa naman sana kay Elijah ang tanging maibabayad niya sa kabutihan nito, sa lahat ng sakripisyo nito sa kanya. "Napakaarte mo kase Tamara!" Sita niya sa sarili. "Dapat tiniis mo na lang ang sakit at nagpanggap na hindi nasasaktan, para naman gin