"Looks who's here!" Nakangiting sabi ni Pauline sa kanya nang makasalubong ito sa may pasilyo patungo ss opisina ng Daddy nito. Inis niya itong sinulyapan at iniling ang ulo. Wala siyang pakialam kahit mahalata pa ni Pauline ang kanyang inis. Sobrang pikon na kasi siya sa babae, masyado na itong nakikialam sa kanya na para bang may relasyon sila nito. Wala naman silang relasyon at never niyang pinaramdam kay Pauline na may pag-asa ang pinapangarap ng kanilang mga magulang para sa kanila. "Ang bilis mong dumating ah. Bakit ganoon ka na ba katakot sa pwedeng gawin ng Papa mo at ng Daddy ko sa babae mo," nakangising sabi ni Pauline sa kanya. "Hindi ko babae si Tamara, fiancée ko siya," mariin niyang sabi at nilagpasan niya ito, wala na silang dapat pang pag-usapan nito. Nauna na siyang p