"Tamara," narinig niyang tawag sa kanya ni Elijah kasabay ang pagkatok nito sa pintuan ng silid. Humugot siya ng malalim na paghinga at bumangon na mula sa pagkakahiga para pagbuksan si Elijah. Narinig at nakita niya lahat ang pag-uusap nina Elijah at Pauline kanina sa may sala. Nanatili siya sa may labas ng silid kanina para masilip at marinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Malinaw naman ang mga narinig niya na si Pauline ang namimilit kay Elijah na mag stay ito sa penthouse at todo tangi naman si Elijah. Sa mga nakita at narinig niya umiiwas si Elijah kay Pauline. Maybe ginawa lang iyon ni Elijah, dahil takot itong malaman ni Pauline na may kasama itong ibang babae sa penthouse. Todo tanggi si Elijah dahil sa takot nitong malaman ni Pauline ang tungkol sa kanya. Also narinig din niya an