"Pauline, what are you doing here?" Kalmado niyang tanong nang mapagbuksan ng pintuan si Pauline. Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Pauline sa penthouse niya, hindi naman niya inasahan na pupuntahan siya nito sa penthouse. Wala naman kasi siyang sinabi sa dalaga na sa penthouse siya naka stay. Nang makita niya si Tamara kanina sa labas ng restaurant agad siyang nagpaalam kay Pauline para sundan ang dalaga. Hindi safe kay Tamara ang gumala-gala sa lobby ng hotel. Hanggang ngayon kase naghahanap pa rin si Joseph sa may hotel niya. Alam din niyang mamimilit pa rin si Joseph sa mga staff niya para makakuha ng copy ng CCTV. Wala naman ng makukuha pang kopya si Joseph dahil pinabura na niya ang lahat at siya lang ang may hawak ng kopya para magamit ni Tamara para sampahan ng kaso si Joseph.