"Benjie, andito ka na naman," sabi niya nang madatnan ang kaibigan sa loob ng kanyang opisina. Hindi siya agad nakaalis ng penthouse dahil hinintay pa niyang matapos kumain si Tamara. Nagulat nga siya sa sobrang gutom yata nito eh nagawa nitong ubusin ang breakfast for 3 person. Kahit pala ang payat nito ang lakas pala nitong kumain. Inisip pa naman niyang maselan ito pagdating sa pagkain, kaya ganoon kaganda ang katawan nito. Mali pala siya mukhang effortless ang ganoon kagandang katawan ni Tamara. Bago siya umalis ng penthouse, tinuro na rin niya muna kay Tamara kung paano buksan at i lock ang main door. Baka kasi maisipan nitong lumabas. Hindi naman kasi niya ito kinukulong. Pwede itong lumabas ng penthouse anytime. Alam na nito ang ginagawa nito. Alam na nito kung ligtas ba ito o hin