Napatalon pa siya mula sa pagkakaupo sa sofa nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng penthouse. Tiyak niyang si Elijah na ang dumating kaya naman mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at nagtatakbo na patungo sa may pintuan para sa salubungin si Elijah. Sa ngayon kasi wala siyang ibang mapupuntahan, wala ring ibang pwedeng promotekta sa kanya. Kaya naman kahit alanganin at wala din siyang tiwala kay Elijah eh pikit mata na siyang nakitira sa penthouse nito. Hindi pa kasi niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang gawin ngayong ang Kuya Joseph niya ang may pakana ng lahat ng nangyayari sa kanya. Kailangan niyang pag-isipan muna ang bawat hakbang na gagawi niya, marami kasi ang masasaktan pag nagpadalos-dalos siya. Kailangan niyang i consider ang iisipin ng Mommy at Daddy niya. Hind