Kahit magaspang at medyo nasasaktan ang kanyang labi sa uri ng paghalik sa kanya ni Elijah at nagawa pa rin niyang gantihan ang halik nito at sabayan ang bawat ikot ng dila at labi nito. Lalo naman siyang siniksik ni Elijah sa pader na kinasasandalan niya, pakiramdam nga niya madudurog ang kanyang katawan may kabigatan at malaking tao din kasi si Elijah. May kagaspangan man ang kilos ni Elijah binalewala niya iyon, ang mahalaga maibigay niya rito ang gusto nito ang kailangan nito. Kung nanaisin nitong may mangyari na sa kanila ngayon sa kahit pa anong posisyon o paraan ay hindi siya tututol. Pinapaubaya na niya ang buong katawan niya kay Elijah. Malaya nitong gawin ang ano mang gusto nito sa kanya. Kapwa sila hinihingal ni Elijah nang iwan nito ang kanyang labi. Nagkatitigan pa sila nit