"Tamara isasama kita mamaya sa dinner," sabi sa kanya ng Kuya Joseph niya nang naiwan na sila nito sa hapag kainan. "Ah... Bakit kasama ako?" Tanong niya. Isang araw na ang lumipas mula ng makausap niya si Elijah patungkol sa pagsampa niya ng kaso rito. At nabanggit nga sa kanya ni Elijah na pinambayad utang daw siya ng kapatid at binabalak pa ng kapatid na ipambayad utang pa siya sa ibang pinagkakautangan nito. Bagay na talagang gumulo sa isipan niya hanggang ngayon. Wala pa siyang pinagsasabihan ng napag-usapan nila ni Elijah, kahit sa kaibigan si Klea hindi pa niya nababangit ang napag-usapan nila ni Elijah. Para kasing nahihiya siya o di pa siya talaga sure kung totoo nga ba ang sinasabi ni Elijah sa kanya. May part na nais niyang maniwala kay Elijah, dahil na rin naroon ang Kuya Jos