"Huwag ka na lang makialam pa pare, problema naman nila iyon," sabi sa kanya ni Benjie nang sabihin sa kaibigan ang ginagawa ni Joseph sa stepsister nito. Nabanggit rin kasi niya na pina reserved na ni Joseph ang room 503 sa hotel niya. At tiyak na doon nito dadalhin si Tamara kasama ang kung sino mang pinagkakautangan ni Joseph. Wala kasi siyang mapagsabihan kaya naman na i open niya kay Benjie ang tungkol sa bagay na ito nang biglaan ang pagpasyal nito sa opisina niya. "Isa pa bakit mo pa siya tutulungan eh inakusahan ka na nga niyang r*pist, and also idedemanda ka pa niya. Kakalat sa buong bayan ng San Miguel na isa kang r*pist once na ituloy ni Tamara ang kaso," litanya nito sa kanya. "I told you hindi ko siya pinakialaman," he said. "Maniniwala kaya ang judge?" Benjie asked him. Hi