"Gaga! Saan ba kasi tayo pupunta?" Hinampas ko si Trina na pagkaaga-aga akong ginising. Alas tres palang ay pinaggayak niya na ako. Talagang tinotoo niya ang pagliban namin sa klase ngayong biyernes. g**o-g**o pa ang buhok ko, as in walang ayos. Nag-tooth brush lang ako at naghugas ng katawan. Wearing a sweatshirts and a jogger pants while Trina's wearing high waisted pants and croptop hoodie. Talagang pumorma pa ang Gaga na hindi man lang ako in-inform na may lakad pala kami. At mas lalo pa akong nagulat nang makita ang sasakyan ni Kael sa tapat ng condominium namin. Mapungay ang mga mata at humihikab ito habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Nakapantulog pa ang loko. "Ginagawa niyan dito?" Tanong ko kay Trina. Huwag niyang sabihin na pati ito ay binulabog niya? Nakakahiya! "Morni