February 1. Thursday. I thought February was supposed to be a love month. Pero unang araw palang ng buwan hindi na maganda ang pasok sa akin. Dalawang linggo palang kami ni Zale pero ang dami ng nangyayari. I have lot on mind. Sobrang g**o na rin ng isip ko, sobra na ring nasasaktan ang puso ko. I don't know how this relationship will work out if we continue to be like this. "Kumain ka na, Sky," bulong ni Trina sa akin matapos ang mahabang katahimikan sa aming mesa. Nagpapalitan ng tingin si Kenneth at Jace na kapwa hindi makakain ng maayos dahil sa awkwardness sa pagitan namin ni Zale. The latter didn't care and just ate his food without any words. Seryoso pa rin ang mukha niya habang ako ay naiiyak na. Bakit ba sobrang emosyonal ko naman? Nakakainis. Ayaw ko naman ipamukha na nagpap