Umupo ako saka siya hinarap. Nakangiti pa rin ito. For real, wala naman akong mahanap na rason para pag-isipan siya ng masama. Greg is kind. And I won't judge him just because of a rumor. Tsismis na wala namang sapat na patunay. "Kailan lang naging kami pero last year pa siya nanligaw," sagot ko sa tanong niya. Tumango-tango siya sa akin saka umupo ito sa harapan kong upuan pero hindi nakaayos. Sa halip kasi na nakatalikod siya ay nakaharap ito sa akin. "He doesn't like me as a person, does he?" May kislap ng lungkot at pagkabahala ang kanyang mga mata. Tila pinunit ang puso ko sa nasasaksihan ngayon. I really hate it when someone's sad because of judgment. Iyon ang pinaka-ayaw ko sa lahat. "Hindi naman. Ganoon lang talaga iyon kasi hindi ka pa niya gaanong kilala," nginitian ko siya u