Chapter 21 “Pwede bang wag muna ulit gagawin ‘yon,” wika ni Alex kay Agatha, hindi maiwasan ng binatang hindi mainis sa ginawa ng dalaga na sobra nitong pinag-alala. Nakauwi na si Agatha sa bahay ng mga Marquez, nasa silid na niya ito para magpahinga, pero nang makauwi naman si Alex mula sa trabaho agad itong pinuntahan ang dalaga. Kagagaling lang ni Agatha sa ospital ng Claret, pinagamot ang sugat na nakuha nito kay Shawn. Habang si Shawn naman ay nakakulong na sa bayan ng Claret, ililipat na lamang ito pagnabuo na ang lahat ng impormasyon na nakalap ng mga pulis. “Alam kong kasalanan ko ang lahat ng nangyayare sa akin, kasi hindi ako nag-iisip,” nakayukong saad ng dalaga habang hinihimas ang gasang nakabalot sa sugat niya.