Chapter 22 Kakabalik pa lamang nila Nathan at Irene sa opisina nila, kakahatid pa lamang nila sa Maynila kay Shawn para doon ikulong sa NBP, bago pa man nila ihatid ito sa kulungan, pinasuri muna ang binata sa isang doktor sa pag-iisip, nalaman nilang na abuso ito noong bata at naging s*x addict ito, may mga adiksyon ang bawat tao, pero minsan na abuso ito ng mga tao kaya nagiging adiksyon. Nagpaalam si Irene sa kanya na kakausapin nito ang anak sa telepono kaya napangiti naman si Nathan, papasok sana siya sa kanyang opisina nang may mag-asawang bagong dating sa presinto, napasulyap siya sa matandang babae na hagulgol ng hagulgol. “Tulungan po ninyo kami, nawawala po ang anak namin,” natigilan si Nathan sa narinig niya mula sa matandang babae, “kanina